Lovelei's Blog

expect for the extremes...

this is where ul find just about anything that could ruin ur mood or impinge on ur nerves a feelin' of comfort...

or at least get a sneak peek on what nice things lovelei can do in a day.. ^_^

About Lovelei

Image hosted by Photobucket.com
lovely, lab, labli, tabo, labli-bue, luv, loobli, labli, lovelvel, wabli, bubbly, chin-ay, baby, partner, buddy, wuvli, lovelei, luvelei, 'nay, mami, mami love, huo puo, buddie, clare, sis, loveslies, love....

"..love breaks and love divides, love laughs and love can make u cry.."

"punch me, i bleed"
- Peter Parker

Image hosted by Photobucket.com

Lovelei'SblogFriendS

b.e.a.
b.h.i.
b.i.b.o.y.
b.o.n.n.
c.y.n.d.i.
c.y.n.d.i.multiply.
d.o.n.
e.k.a.
e.k.a.gurl.
e.k.a.multiply.
g.r.a.c.i.e.l.l.e.multiply.
k.i.a.
k.i.r.o.y.
m.i.s.c.h.
m.i.s.c.h.friendsterblog.
r.i.n.n.y.
r.i.n.n.y.lj.

Lovelei's Fav Sites


yahoo
friendster
blogger
dlsu
photobucket
pba
spurs.com
pinoybball.lj
professional heckler
Ripley's IQ game (try this!)
-=e.n.o.e..o.n.e.=-
-=enoes.multiplysite=-
musiczone
^_^my multiply^_^
^_^my picturetrail^_^
^_^my Johari window^_^

email lovelei! ^_^


.lo_0ve.
.love_buela.
.love@dlsu.

Archives

December 2004 January 2005 February 2005 March 2005 April 2005 May 2005 June 2005 July 2005 August 2005 September 2005 October 2005 November 2005 December 2005 January 2006 February 2006 April 2006 August 2006 September 2006 October 2006 November 2006 January 2007 March 2007

go tag me!

Credits

Skin by: sixseven
Powered by: blogger

Lovelei's blog hits

-=webcounter since 041205=-
-=web counter since 041205=-


Wednesday, October 25, 2006

ISANG PAGSILIP SA MISEDUKASYON

Kung ihahanay lamang ang edukasyon sa mga pinakanangangailangan ng tulong na sektor ng lipunan sa ating bansa, malamang mangunguna ito. Hindi lang dahil “find your height” ang labanan, kung tutuusin ay halos magsisinliit lamang ang mga sector kabilang ang kalusugan, pero sa kadahilanang ni hindi man lamang nito nakuha ang kailangan nitong atensyon.

Pumili ako ng tatlong pangunahing problema ng edukasyon mula sa dokyumentaryong “MisEdukasyon” na pinapanood sa amin sa klasrum. Una dito ay ang impluwensyang kolonyal ng Amerika. Matatandaan na una nang nagpadala ng mga titser na tinawag na Thomasians, dahil sa barkong sinakyan nila, ang mga Amerikano upang magturo sa mga Pinoy ng Ingles at iba pang kaalaman tulad ng literatura. Ipinakilala nila ang sistemang institusyonalisasyon sa pagtuturo, kung saan hindi lamang sila nagtuturo ng mga siyensya, kundi nagpapahintulot ito upang magbigay ng oriyentasyon sa kamalayan sa pagiging Amerikanisado. Sa pamamagitan nito, mabibigyan ng lehitimo ang Amerikano upang maipakilala ang kanilang pagiging mataas kumpara sa kanilang mga tinuturuan. Malaking problema ito dahil nagiging laganap ngayon ang tinatawag na Neo-Colonialism, o pagtangkilik sa kaisipang kolonyal at pagpanatili nito. Tuloy, ang mga laman ng mga lektura sa eskwela ay pawang nagpapahiwatig sa kanluraning kaisipan at kultura. Hindi man lamang mapagyaman ang wikang Filipino at ang kulturang dapat sana’y naipapamana sa mga kabataan, lalo pa’t maraming naniniwala na kapag marunong magsalita ng Ingles ang isang tao, isa na siyang edukado at respetado, at binabansagan namang “jologs” o baduy ang mga tumatangkilik sa gawa dito sa Pinas. Bukod pa dito, dahilan sa mababang pagtingin ng mga dayuhan sa mga Pilipino at mataas na pagrespeto ng mga kababayan natin sa kanila kahit pa sabihing edukado ang mga tayo, sinasamantala nila ang kahinaan ng mga Pinoy. Halimbawa na lang ay ang pagkuha ng mga mauunlad na bansa ng mga manggagawa mula sa mga Third World na bansa tulad ng Pilipinas para makamura sa pagpapasweldo.

Ang pangalawang suliranin ng edukasyon sa Pilipinas ay ang pagiging komersyalisado ng mga paaralan. Kumapara sa ibang bansa na gobyerno ang mismong nagpapatakbo ng mga eskwela, karamihan sa mga paaralan dito sa atin ay pribado. Dahilan ito upang mahirapan sa pagpili ng mapapasukan ang mga nais magkaroon ng magandang kaledad ng edukasyon dahil sa pagkakaroon ng mga paaralang ito ng kapangyarihan upang magtaas ng matrikula. Tuloy, ang iba ay napipilitang pumasok sa mga pampublikong paaralan kung saan kapalit ng maliit na halaga para makapag-aral ay ang mababang kaledad ng edukasyon. Ang iba naman ay naghahanap na lamang ng trabaho, pero syempre hindi naman maasahang magandang trabaho ang naghihintay para sa kanila. Nagpahayag ang pamunuan ng Commission on Higher Education, o CHED, tungkol sa walang tigil na pagtaas ng matrikula ng mga pribadong paaralan at sinabi nilang “quality education is expensive.” Ibig sabihin, kung nais ng isang estudyante ng magandang edukasyon, at sa kalaunan ay magandang kinabukasan, kinakailangang gumastos muna siya ng malaking halaga ng pera. Ibig din sabihin nito na ipinagdadamot ng pamahalaan ang kaalaman sa mga mahihirap.

Ang huling suliranin na laganap ngayon sa ating bansa ay ang kaisipang elitista. Sa katunayan, ito ang isa sa pangunahing problema ng mga naghahanap ng trabaho. Karamihan kasi sa mga kumpanya ngayon ay tumatanggap lamang ng mga gradweyt ng malalaki at sikat na unibersidad. Kabilang sa mga unibersidad na ito ay ang De La Salle University, University of the Philippines, at Ateneo de Manila University. Kaya naman kung hindi ka nagtapos sa isa sa mga “reputable schools” na nabanggit ay tiyak na mahihirapan ka sa paghahanap ng magandang trabaho. Karugtong na rin ng problemang ito ang pagkakaroon ng maraming aplikante sa limitadong posisyon lamang.

Sa kabila ng lahat ng mga suliraning nabanggit, may mga hakbang naman na ginagawa ang gobyerno upang malutas ang mga ito. Tulad na lamang ng argumento hinggil sa paggamit ng wikang Filipino bilang pangunahing midyum sa pagtuturo sa halip na Ingles. Bukod dito, ipinasa rin ang Education Act of 1982, kung saan kinokontrol ang sunod-sunod na pagtaas ng tuition fee upang hindi mabigla ang mga mag-aaral. Meron din tayong Higher Education Modernization Act, kung saan ang mga unibersidad pang-estado ay nagbebenta ng properties upang tulong sa pagpapaganda ng kanilang pasilidad. Nandyan na rin ang nagsulputang parang kabute na mga call centers kung saan ay malaki ang pasweldo sa mga manggagawa at tumatanggap ang mga kumpanya kahit na ano man ang kurso na tinapos at kung saan man nagtapos. Masasabi rin naman pala nating may pakialam nga ang gobyerno.

Kung itatanong mo kung bakit parang wala pa ring pagbabago sa kabila ng mga binaggit ko sa itaas, narito ang aking opinyon: Naaalala mo ba nang magkaroon ng mainitang pagtalakay tungkol sa usapin sa kung aling wika ang dapat gamitin sa pagtuturo sa mga paaralan? Hindi ba’t lalo lamang nagkawatak-watak ang mga responsable sa usaping ito? Bakit patuloy na nagkakaroon ng mga kilos protesta tungkol sa pagtaas ng singil sa matrikula? Kasi naman, sakaling hindi magtaas ng singil sa matrikula ang ilang paaralan, bumabawi parin ang mga pribadong paaralan sa mga estudyante sa pamamagitan ng pagpataw ng mataas na presyo sa tinatawag na miscellaneous fees. Kaya’t kahit na mababa na ang tuition fee, mataas parin ang suma total ng babayaran ng isang ordinaryong estudyante ng pribadong paaralan dahil sa iba pang dapat bayaran. Bakit may mga paaralang hindi magamit ang mga pasilidad, lalo na ang mga laboratoryo, at may mataas na bilang ng estudyante sa isang silid-aralan na halos umabot na sa isang daang mag-aaral bawat klasrum at titser? Sana alam ko rin ang sagot sa mga tanong na ito.

Sa aking palagay, magiging magandang simula sa sistema ng ating edukasyon ang pagpapalaganap ng kaisipan na magsasabing mahalaga ang wikang Filipino at ang ating kultura. Hindi ko hinihiling na gawing midyum ng pagtuturo ang salitang Filipino, ngunit gawin itong isang mahalagang bahagi ng natututunan sa loob ng eskwela at dapat lamang na pagyamanin pa ito. Magiging malaking tulong din ang pagkakaroon ng mga faculty development programs o mga seminar para sa pagpapalalim ng pwersa ng mga titser upang mas maging makabuluhan ng mainam ang mga itinuturo at paraan ng pagtuturo nila sa kanilang estudyante. Siguro’y sapat muna ang mga ito upang magsimulang bumangon muli ang sistema ng edukasyon sa ating mahal na bansa. Hindi man ito mabilisang paraan, naniniwala naman akong epektibo ito kung maisasagawa ng maayos at tapat.


lovelei fell in lo_0ve at 3:40 PM



Saturday, October 21, 2006

My experience during the retreat was worth treasuring. I did not only find time to go back to my inner self and to assess the depth of relationship I have with my friends, but also to God. Honestly, the LASARET taught me how to communicate with Him, and I feel that this is very helpful in terms of my busy schedule. It also opened my eyes into reality, that God is actually everywhere and is only waiting for me to remember to talk to Him. I realized that God is in my friends, in my blockmates whom I now treasure more than before, in my family who never did anything to displease me and always had the best things in mind for me, and most specially I found God in me.

Right now, the block’s relationship grew stronger, and I know and I hope that it would develop to become really ripe enough so that we would be able to value more the gift of true friendship God has offered to us, especially after graduation. I can actually feel God’s presence in all of us, and we are now more vocal with our feelings and everyday reflections towards God. This is true with my family as well. And I am so lucky and blessed to have a solid and God-fearing family who, in spite of so many trials we are encountering right now, never forgets to thank God for the blessings He continuously showers to us and never left each other in times of trouble. Lastly, my encounter with God right now symbolizes my willingness to grow deep inside into a mature person in different aspects. It also gave me strength and helped me find the courage hidden inside of me that I would need to constantly face life’s sweet blessings and the bitterness of the real world.

--this is only a part of my reflection during the LASARET....and this was the first time i ever did an honest reflection...no pretentions or lies. the best part...i did this in not more than 5 mins! haay...


lovelei fell in lo_0ve at 2:58 PM